MAHAL KONG INA
Bago masilayan ang mundong ito
Mukha mo ang una kong nakita
Mga dampi ng palad at kamay mo
Ang una kong nadama.
Habang ako'y gumagapang
At namukadkad ang pawa kong isip,
Ika'y patuloy na gumagababay,
Larawan ng kagandahan At kabutihan ng buhay.
Saan man kami magpunta
Ika'y laging nag-aalala
Baka kami mapahamak ng wala ka
Hindi ka nawala sa aming tabi kahit mayroong problema.
Sa iyong matatag at matapang na kalooban,
Hindi kita nakitang sumusuko
Ika'y ilaw sa aming pangarap
Kahit sariling buhay handa mong
Ibuhis para sa iyong mga anak.
At ngayon kami'y malaki na
At ika'y tumatanda na
Hindi pa rin nagbabago
ang pagmamahal mo sa amin
Kaya mama, ikaw ang buhay ko
Natatanging ina sa lahat.
This creative artwork from corn peels was made by Jennifer Baturiano. This artwork shows the presence of love between the child and the mother. As of this mothers day, let's give an honor for our beloved mother who give us life, make us grow and stay with us in this temporary world. (Mom, I love you and Happy Mothers Day).
Comments
Post a Comment